Biyernes, Oktubre 9, 2015

Aralin Panlipunan



Ano-ano nga ba ang naisulat na mga akda ni 
Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio? 

Dr. Jose Rizal
            
       Sya ay kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda. Bilang repormista, di mabilangang kanyang mga akdang naisulat na tunay na gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Pinakatanyag sa mga ito ay ang walang-kamatayang nobelang Noli Me Tangere (Berlin 1887) na hango sa Ebanghelyo ni San Juan na ang ibig sabihn ay "Huwag Mo Ako Salangin" na siyang pinagkunan ng kanyang alyas na 
"Dimasalang" at ang El Filibusterismo (Ghent, 1891) na karugtong ng una niyang nobela kung saan masasabing isang akda niyang pampolitika sapagkat nabasa rito ang kanyang mga ideyolohiya at mga kaisipang pampolitika.
          Narito pa ang ilang sa mga tanyag na akda ng ating pambansang bayaning tunay na nagpapakita ng kanyang maalab na pagmamahal sa Inang Bayan:
"Sa Aking mga Kababata" , "Sobre La Indolencia de los Filipinos"(Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino), "Sa mga Kababaihang Dalaga sa Malolos",
"El Consejo delos Dioses" (Ang Kapulungan ng mga Bathala), "Ala Juventud Filipina"
(Sa Kabataang Pilipino), "Mi Ultimo Adios" (Ang Huli Kong Paalam), at marami pang iba.




Andres Bonifacio


             Bagama't hamak ang pinanggalingang pamilya ni Andres Bonifacio, siya ay kinikilalang "Ama ng Demokrasyang Pilipino". Siya ay maituturing na bituing maningning sa kasaysayang pampolitika ng ating bansa.Ang kanyang pinag-aralan ay galing sa "paaralan ng karanasan" ngunit lubha siyang palabasa. Ang mga akdang nabasa niya na tunay na nag-iwan ng bisa sa buhay niya ay ang "Kasaysayan ng Rebulosyong Pranses", "Ang mga Ruinas ng Palmyra", "Buhay ng Pangulo ng Estados Unidos", ang "Noli at Fili" ni Rizal, ang Bibliya, ang "Les Miserables" ni Victor Hugo, "Ley Internacional", "Codigo Civil," at ang "El Judio Errante". 
Umanib siya sa La Liga Filipina na itinatag ni Rizal noong 1892. Nangsi Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan na naging batis ng diwang malaya ng mga Pilipino.
              Si Bonifacio ay higit na dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit mayroon siyang iniwang mga akdang pampanitikang nagpaalab sa himagsikan.Naririto ang ilan sa kanyang mga sinulat : "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog", "Huling Paalam" na salin sa Tagalog ng "Mi UltimoAdios" ni Rizal, "Katungkulang Gagawing ng mga Anak ng Bayan" , "Katapusang Hikbik ng Pilipinas"
at "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa".

      
Ipinaskil ni Analiza V. Rojo

Miyerkules, Oktubre 7, 2015

Ano Ang Kasaysayan Ng NOLI ME TANGERE Ni Dr. Jose P. Rizal?

Kasaysayan ng noli me tangere

Image result for noli me tangere
Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litoměřice: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... "

kasaysayan

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

Ipinaskil ni Reymark A. Buen

Kailan Ba Isinulat Ni Dr. Jose P. Rizal Ang "Mi Ultimo Adios o My Last Farewell"?

             Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihan ang tulang ito. Ayon sa tradisyunal na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng pagbaril sa kanya, Disyembre 29, 1896. Ngunit ayon sa mga tala, si Rizal ay maraming ginawa noong mga huling araw ng kanyang buhay. Marami siyang tinanggap na bisita: ang kanyang mga kapatid, ang asawang si Josephine Bracken at ang mga prayleng humihimok sa kanya na isagawa ang pagbawi o retraksyon. Sinasabi pang ibinigay niya ito sa kapatid niyang si Trinidad na dumalaw sa kanya noong hapon ng Disyembre 29. Samakatuwid ay hindi niya isinulat ang tula kinagabihan ng bisperas at mismo noong araw ng kanyang pagbaril.
Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula. Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang pinagsulatan na may sukat lamang na 15-1/2 sentimetro at 9-1/2 sentimetro ayon kay Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan pa ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan ni Rizal ang pagsusulat niya sa tulang may 14 na saknong na nasusulat sa wikang Kastila.
Si Mariano Ponce ang kauna-unahang naglagay ng pamagat sa tula na tinawag na "Mi Ultimo Pensamiento" nang iyo'y kanyang ilathala sa Hong Kong noong Enero 1897. Sa tulong ni Jose Maria Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at ipinamigay sa mga kababayan at kakilala ang mga sipi nito.
Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng Mi último adiós bilang pamagat ng nasabing tula noong ito'y kanyang matanggap at mabasa habang siya'y nakakulong sa Bilibid, Maynila. Ang kanyang ginawang paglalapat ay inilathala sa pahayagang "La Independencia" noong Setyembre 1898.
Ang orihinal na sipi ng tula na ibinigay ni Rizal sa kapatid niyang si Trinidad ay napapunta naman kay Josephine Bracken. Dinala ni Josephine ang tula ng magpunta siya sa Hong Kong. Nang mamatay si Josephine ay nawala ang orihinal na kopya. Ito'y hinanap ng Pamahalaan ng Pilipinas at natagpuan sa isang taong tagaroon na humingi ng kaukulang bayad (1000 piso) upang ibigay niya ito sa pamahalaan. Nagbayad nga ang pamahalaan at ito ay naibalik sa Pilipinas.
Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado noong Enero 1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa mga tanyag na salin ng tulang ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H. Poblete at Julian Balmaceda. Sa mga dayuhang wika naman, una itong nasalin sa Aleman samantalang may mahigit na 25 salin ang tulang ito sa Ingles.
Noong taong 1899, habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinag-uusapan sa Kongreso ng Amerika kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May nagpanukalang dapat upang mabigyan ng edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino. May isang kinatawan ang tumutol at binasa ang Huling Paalam ni Jose Rizal (salin sa wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My Last Farewell") upang patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng tula) at lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas.

Ipinaskil ni Florefe Novia H. Soriano

Linggo, Oktubre 4, 2015

Sino mas karapat-dapat maging pambansang bayani?

Rizal o Bonifacio?

Kung tayo'y magbabalik tanaw, Napakalaki ng nagawa ni Jose P. Rizal sa ating bayan, higit kailanman sa panitikan, ito ay nag-udyok sa mga pilipino na magkaisa at umaklas sa rehiming kastila. Ayon nga sa kanya "Pen is mightier than swords". Kung saan pinatunayan nyang higit na laman ang taong may kaalaman. Taliwas sa pamamaraan ng kanyang kababayan sa si Andres Bonifacio, Matapang, walang inuurungang laban, nasawing walang ipinanalong laban, ngunit sumalamin sa pagiging tunay pi pilipino. Habang si Rizal ay nag aral sa ibang bansa upang lalo pang maging dalubhasa sa pang gagamot sa sakit ng mata. Pati na rin ng ibat ibang linguwahe, sa pagtatapos ng kanayang kwento, nag iwan sya ng mga makasaysayang aklat ng nobela, ito ay ang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO na hanggang ngayon ay ating tinatalakay. Anu nga ba ang batayan ng pagiging bayaning pinoy, Matapang at handang maipagsbayan hanggang kamatayan upang ipaglaban ang karapatan o ang matalino at may kakayahang himukin ang sambayanan upang magkaisa pa sa inaaping bayan?

Ipinaskil ni Raymond V. Gardoña