Biyernes, Oktubre 9, 2015
Aralin Panlipunan
Ano-ano nga ba ang naisulat na mga akda ni
Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio?
Dr. Jose Rizal
Sya ay kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda. Bilang repormista, di mabilangang kanyang mga akdang naisulat na tunay na gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Pinakatanyag sa mga ito ay ang walang-kamatayang nobelang Noli Me Tangere (Berlin 1887) na hango sa Ebanghelyo ni San Juan na ang ibig sabihn ay "Huwag Mo Ako Salangin" na siyang pinagkunan ng kanyang alyas na
"Dimasalang" at ang El Filibusterismo (Ghent, 1891) na karugtong ng una niyang nobela kung saan masasabing isang akda niyang pampolitika sapagkat nabasa rito ang kanyang mga ideyolohiya at mga kaisipang pampolitika.
Narito pa ang ilang sa mga tanyag na akda ng ating pambansang bayaning tunay na nagpapakita ng kanyang maalab na pagmamahal sa Inang Bayan:
"Sa Aking mga Kababata" , "Sobre La Indolencia de los Filipinos"(Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino), "Sa mga Kababaihang Dalaga sa Malolos",
"El Consejo delos Dioses" (Ang Kapulungan ng mga Bathala), "Ala Juventud Filipina"
(Sa Kabataang Pilipino), "Mi Ultimo Adios" (Ang Huli Kong Paalam), at marami pang iba.
Andres Bonifacio
Bagama't hamak ang pinanggalingang pamilya ni Andres Bonifacio, siya ay kinikilalang "Ama ng Demokrasyang Pilipino". Siya ay maituturing na bituing maningning sa kasaysayang pampolitika ng ating bansa.Ang kanyang pinag-aralan ay galing sa "paaralan ng karanasan" ngunit lubha siyang palabasa. Ang mga akdang nabasa niya na tunay na nag-iwan ng bisa sa buhay niya ay ang "Kasaysayan ng Rebulosyong Pranses", "Ang mga Ruinas ng Palmyra", "Buhay ng Pangulo ng Estados Unidos", ang "Noli at Fili" ni Rizal, ang Bibliya, ang "Les Miserables" ni Victor Hugo, "Ley Internacional", "Codigo Civil," at ang "El Judio Errante".
Umanib siya sa La Liga Filipina na itinatag ni Rizal noong 1892. Nangsi Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan na naging batis ng diwang malaya ng mga Pilipino.
Si Bonifacio ay higit na dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit mayroon siyang iniwang mga akdang pampanitikang nagpaalab sa himagsikan.Naririto ang ilan sa kanyang mga sinulat : "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog", "Huling Paalam" na salin sa Tagalog ng "Mi UltimoAdios" ni Rizal, "Katungkulang Gagawing ng mga Anak ng Bayan" , "Katapusang Hikbik ng Pilipinas"
at "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa".
Ipinaskil ni Analiza V. Rojo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento